Logo
FEATURED

GOLDEN STATE WARRIORS, PASOK NA SA WESTERN CONFERENCE FINALS

Published May 14, 2022 08:10 PM by: Mico Dungca [Photo: EZRA SHAW / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP]

GOLDEN STATE WARRIORS, PASOK NA SA WESTERN CONFERENCE FINALS

Makalipas ang tatlong taon, nasa Western Conference Finals na uli ang Golden State Warriors matapos pauwiin ang Memphis Grizzlies sa pangunguna ni shooting guard Klay Thompson. Dikdikan ang laban sa pagitan ng Warriors at Grizzlies hanggang sa 4th quarter kung saan rumagasa ang opensa ng three-time champions sa isang 18-3 run, sapat para isara ang Game 6, 110-96. Pumukol ng 30 points sa 11-of-22 shooting si Thompson habang humakot naman ng 22 rebounds si Kevon Looney para sa GSW. Taong 2019 pa nang huling makapasok sa Western Conference Finals ang Warriors, kung saan kasama pa sa roster si superstar Kevin Durant. Hihintayin ng Warriors ang mananalo sa Game 7 sa pagitan ng Dallas Mavericks at Phoenix Suns.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News