FEATURED
COLLEGE STUDENT NAGBIGTI SA SULTAN KUDARAT
Published Jun 23, 2022 01:32 PM by: NET25
ISANG 22-anyos na estudyante ang nagbigti dahil sa matinding problema sa Lebak, Sultan Kudarat. Kinilala ang biktima sa alyas na Ver, residente ng Barangay Bolebac. Ayon sa imbestigador mula Lebak Police, natagpuan ang labi ni Ver na nakabitin sa sa likod ng kanilang bahay. Inamin ng kapatid nito na bago ang pagpapakamatay ng biktima ay malungkutin na ito. Hindi rin Ito nakikipag-usap at lagi lamang sa kuwarto kaya pinaniniwalaang dumaranas ng depresyon hanggang nagpakamatay.
Latest News