Logo
FEATURED

#WALANGPASOK SA LUNGSOD NG MAYNILA BUKAS, JUNE 24

Published Jun 23, 2022 01:38 PM by: NET25

#WALANGPASOK SA LUNGSOD NG MAYNILA BUKAS, JUNE 24

Ito ay dahil deklaradong “special non-working holiday” ang naturang petsa, bilang paggunita sa ika-451 taong anibersaryo ng lungsod ng Maynila. Alinsunod din ito sa proclamation no. 1400 ni Pang. Rodrigo Duterte at nilagdaan ni Exec. Sec. Salvador Medialdea. Isang memorandum na pirmado ni City Administrator Felixberto Espiritu ang inilabas para abisuhan ang mga pinuno ng mga departmento, opisina, tanggapan at kahalintulad ukol sa holiday sa Manila Day. Maging ang ilang mga paaralan sa lungsod ay nag-isyu na ng abiso sa kani-kanilang mga guro, school personnel at mga estudyante na walang pasok sa Biyernes. Inaasahan naman na may iba’t ibang mga aktibidad na isasagawa bukas, kaugnay sa Araw ng Maynila.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News