Logo
FEATURED

EMBAHADA NG PILIPINAS SA CANADA IBINIDA ANG KULTURANG PILIPINO SA LOKAL NA KAPITBAHAY NG OTTAWA

Published Aug 06, 2022 02:41 PM by: NET25 News

EMBAHADA NG PILIPINAS SA CANADA IBINIDA ANG KULTURANG PILIPINO SA LOKAL NA KAPITBAHAY NG OTTAWA

Ottawa, Ontario – Kamakailang ay ipinamalas at Itinaguyod ng Embahada ng Pilipinas sa Canada ang Kulturang Pilipino sa Carlington Neighborhood sa Ottawa, Ontario. Ito ay ginanap noong nakaraang 31 Hulyo 2022 bilang bahagi ng International Taste of Canada event ng Caldwell Family Center. Ang Taste of Canada ay isang kasiyahan kung saan ipinakikita ang iba't ibang kulinaryo sa kapaligiran ng bansang Canada. Nagbahagi ang Embahada ng impormasyon tungkol sa Pilipinas at naghanda sa mga panauhin ng isang vegetarian na Pancit para tangkilikin ng mga lokal na residente. Lumahok din ang mga Embahada ng Mexico at India, at mga boluntaryo mula sa komunidad ng Jamaican, Syrian, Ukrainian, at Somalian upang saksihan ang mga kaganapan dito.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News