Logo
FEATURED

BUWAN NG WIKANG PILIPINO, PINASIMULAN NA SA CANADA

Published Aug 06, 2022 02:43 PM by: NET25 News [📸: PHILIPPINE EMBASSY IN OTTAWA]

BUWAN NG WIKANG PILIPINO, PINASIMULAN NA SA CANADA

OTTAWA, ONTARIO– Pinasimulan na ng Embahada ng Pilipinas sa Canada ang paggunita ng Buwan ng Wika (Buwan ng Wikang Filipino) sa Ottawa. Ito ay sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga aklat ng kwento at pangkulay (coloring books) sa Wikang Filipino sa ikalawang henerasyon mga Pilipino.  Matatandaan na sa Pilipinas ay nagsisimula ang Buwan ng Wika sa unang araw ng Agosto. Ito ay upang ipaalam sa ating mga kababayan ang kahalagaan ng pambansang wika. Sa Canada, ang aktibidad ay isinagawa sa unang araw ng trabaho ng buwan. Kabilang sa mga nakatanggap ng mga libro ay ang 4 na taong gulang na si Klay Mathew na nasasabik na matutohigit pa tungkol sa wikang Filipino.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News