Logo
FEATURED

MGA PROGRAMA SA ILALIM NG DUTERTE ADMIN, ITUTULOY NG BAGONG PNP CHIEF

Published Aug 06, 2022 02:45 PM by: NET25 News | 📷 PNP

MGA PROGRAMA SA ILALIM NG DUTERTE ADMIN, ITUTULOY NG BAGONG PNP CHIEF

ITUTULOY ng Philippine National Police (PNP) ang mga programa ng organisasyon na may kinalaman sa "peace and order" sa lipunan na umiral din sa nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Tinanong kasi si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kung may marching orders ang Pangulo kay newly-appointed PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. Aniya, wala siyang ideya kung may "specific directives" mula sa Pangulo. Ang tangi lamang niyang alam ay ang gagawing pagpapatuloy ng police force sa mga programa na nagmula sa Duterte administration na epektibo para panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa. "There are no marching orders that we know of. The primary mandate of the PNP is to keep order. So peace and order ang kanilang primary na mandato, pagkatapos niyan ay sila din po ang primary executors, they execute the law, they enforce the law. So beyond that, the President has not made any other specific orders," ayon kay Cruz-Angeles. "Paalala ko lang po, bahagi din naman po ng peace and order program ng Presidente 'yung continuity. So whatever it was that has already been there from the past administration, if it works, we continue that program," dagdag na pahayag nito.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News