Logo
FEATURED

PBBM, NAIS IREVIEW ANG MGA DISASTER RESPONSE SOPs

Published Aug 06, 2022 02:45 PM by: NET25 News

PBBM, NAIS IREVIEW ANG MGA DISASTER RESPONSE SOPs

GUSTONG rebyuhin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang standard operating procedures (SOPs) para makalikha ng "uniform and coordinated approach" sa panahon ng sakuna. “I think we have to review our SOPs when there’s a warning. So what do we immediately do when the alert is given to us? How do we preposition the things that we will need?” ayon kay Pangulong Marcos sa idinaos kaninang Cabinet meeting. Ang pahayag na ito ng Punong Ehekutibo ay matapos ang magnitude 7 earthquake na yumanig sa northern Luzon noong nakaraang linggo, Hulyo 27. Ayon sa chief executive dapat na i-preposition ng gobyerno ang satellite phones, generators, at tubig  sa oras na itinaas na ang alert.  “As we know, the very first thing that we have to deal with is really communication, to find out what’s going on where, and then doon na tayo makapag-assess, saan natin uunahin,” anito.  “Ang experience ko, the first thing you have to do is communicate with the local government official,”dagdag na pahayag nito. Sa nasabing cabinet meeting, tinalakay din ng Pangulo ang paggamit ng airlift assets para sa disaster response.  "Dapat nandyan ‘yung mga tropa natin na gagamitin natin na makakapasok to clear,” aniya pa rin. Tinukoy din ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng mga engineers na makatutulong sa clearing operations at pagtatayo ng temporary structures. 

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News