Logo
FEATURED

P2.1 MILYONG SMUGGLED NA YOSI NASABAT

Published Aug 06, 2022 02:46 PM by: NET25 News

P2.1 MILYONG SMUGGLED NA YOSI NASABAT

NAGKAKAHALAGA ng P2.1 milyon ang mga smuggled na sigarilyo na nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinangkang ipuslit sa Mainit Port sa Cebu nitong nakaraang Agosto 1. Sa ulat ng PCG- District Central Visayas, nasabat nila ang kontrabando sakay ng MV Lite Ferry 17 sa Mainit Port sa Oslo, Cebu at makaraang maglayag mula sa Dapitan Port sa Zamboanga del Norte. Nagsagawa ng inspeksyon ang PCG sa shipment na nakadeklara na mga pagkaing de-lata ngunit nang buksan ay tumambad ang mga sigarilyo na pinagsiksikan sa mga karton ng sardinas. Tinatayang nagkakahalaga ang kontrabando ng P2,116,000. Sa imbestigasyon, nanggaling ang mga sigarilyo sa Malaysia. Isinuko ng PCG ang kontrabando sa Bureau of Customs-Region 7 para sa tamang disposisyon.   Samantala, pinayagan naman na makabalik ng Zamboanga del Norte ang tsuper ng wing van truck nang mapatunayan niya na nirentahan lamang siya. Ayon sa PCG, patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa BOC upang maipatupad ang mga batas sa karagatan at malabanan ang mga sindikato ng smuggling. 

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News