Logo
FEATURED

DPWH TINIYAK ANG PATULOY NA TULONG SA DEPED KAUGNAY SA OPLAN BALIK ESKUWELA

Published Aug 06, 2022 02:46 PM by: NET25 News

DPWH TINIYAK ANG PATULOY NA TULONG SA DEPED KAUGNAY SA OPLAN BALIK ESKUWELA

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang patuloy na tulong sa Department of Education o DepEd para sa anumang paghahanda kaugnay sa pagbabalik ng face-to-face classes. Ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakikipag-ugnayan sila sa DepEd at mga paaralan sa buong bansa ukol sa pagsasagawa ng “Oplan Balik Eskwela.” At batay sa direktiba ni Bonoan, nag-isyu si DPWH Assistant Sec. Antonio Molano Jr. ng memorandum na nag-aatas sa mga Regional Office at District Engineering Office sa buong bansa na magpatupad ng “maintenance activities” at mga programa sa mga pampublikong eskwelahan bago ang pagbubukas ng pasukan sa Aug. 22, 2022. Ito ay para masigurado na maayos at plantsado ang lahat para sa pagbabalik ng face-to-face classes. Kabilang sa mga ginagawa ng DPWH ay pagpipintura ng pedestrian lanes sa harapan ng mga paaralan, declogging ng drainage o mga kanal at paglilinis ng mga manhole at entrance gates, sa pakikipag-tulungan sa mga school head. Maliban dito, mayroon ding Oplan Balik Eskwelahan outreach programs, kung saan mayroon tree planting activities, donation drive ng school supplies, mga libro, facemasks, at food packs, at iba pang mga aktibidad.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News