Logo
FEATURED

PCG, NAKIBAHAGI SA RESUPPLY MISSION PARA SA BRP SIERRA MADRE

Published Aug 06, 2022 02:46 PM by: NET25 News | 📸: PCG

PCG, NAKIBAHAGI SA RESUPPLY MISSION PARA SA BRP SIERRA MADRE

Nakibahagi ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa RESUPPLY MISSION ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa BRP Sierra Madre (LS-57) sa Ayungin Shoal kamakailan.  Siniguro ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BRP Malapascua (MRRV-4403) na magiging ligtas  ang sasakyang pandagat na "M/V UNAIZA MAE 2" na may kargang pagkain, gamot, damit, maintenance and repair equipment, at iba pang pangangailangan ng mga sundalong naka-deploy sa BRP Sierra Madre (LS-57).  Dagdag pa rito, nagsagawa rin ng Maritime patrol at reprovisionsioning mission ang  BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa Patag Island, Likaw Island, Lawak Island, at Pag-asa Island na binabantayan ng PCG Station Kalayaan sa Kalayaan, Palawan.  Bahagi nito ang mga school supplies para sa mga kabataan ng Pag-asa Island  bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng klase.  Noong Huwebes, bumiyahe naman papuntang Puerto Princesa, Palawan ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) para maghatid ng relief packs, kahung-kahong gamot, hospital beds, medical equipment, at iba pang pangangailangan mula sa gobyerno.  Samantala, nakatanggap rin ng karagdagang supplies ang PCG District Palawan, PCG K9 unit sa Palawan, at ang 3rd Marine Brigade. 

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News