Logo
FEATURED

P2-B DOWNPAYMENT SA RUSSIA, POSIBLENG DI NA MABAWI NG GOBYERNO

Published Aug 06, 2022 02:46 PM by: NET25 News

P2-B DOWNPAYMENT SA RUSSIA, POSIBLENG DI NA MABAWI NG GOBYERNO

Posibleng mawala ang P2 bilyon na down payment na ibinigay ng Pilipinas sa P12.7-billion deal para bumili ng 16 na Mi-17 helicopters mula sa Russia nang ibasura ang kontrata nito bago matapos ang Duterte administration sa takot na magkaroon ng economic sanctions mula sa Estads Unidos. Sinabi ni dating Defense Secretary Delfin Lorenzana, na siya na ngayon na pinuno ng Bases Conversion and Development Authority, na nasa bagong administrasyon na kung itutuloy pa ang paghingi sa Russia na ibalik ang initial payment. “We don’t know if we could still get back the money since we are the ones who terminated the contract. It will take some time for the negotiations for us to get back the P2 billion,” sinabi ni Lorenzana. Siabi ni Lorenzana na desisyon ito ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang kasunduan base sa rekomendasyon ni dating Finance Secretary Carlos Dominguez III kay Jose Romualdez, ang Philippine ambassador to the United States. “He (Duterte) said that it is better for us to terminate the contract because the disadvantage that we will get is greater than if we pursue it,” sinabi ni Lorenzana. May sampung posibleng sanctions na binanggit umano si Dominguez, ayon kay Lorenzana, na kabilang ang freezing ng Philippine government bank accounts sa ibahyong dagat at pagpigil sa mga remittances ng mga Pinoy sa Estados Unidos papunta sa Pilipinas. Si Lorenzana, na pumirma sa kontrata ay nagsabi na kinansela nila ang kasunduan noong Hunyo 25, ilang araw bago bumaba sa pwesto si Duterte. Sinabi ni Lorenzana na noong Marso ay nagbaba na ng down payment noong Enero at hindi nakita ang anumang posiblidad na mabasura ang kasunduan sa likod ng Russia-Ukraine conflict. Ang unang batch ay darating sa sa susunod na taon. Sa ilalim ng US Countering America’s Adversaries Through Sanctions Act (CAATSA), ang mga major deals sa Russia defense industry ay magkakaroon ng economic sanctions. Ang CAATSA ay ipinatupad ng 2017 para parusahan ang Russia sa panghihimasok umano sa US elections at sa Ukraine. Alam na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang desisyon. 

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News