Logo
FEATURED

PAGKAKAARESTO NG ISANG PULIS SA IKINASANG BUY BUST OPERATIONS SA CALOOCAN, MAGSILBING BABALA SA IBA PANG MGA SANGKOT SA ILIGAL NA DROGA 

Published Aug 06, 2022 02:46 PM by: NET25 News | 📸: PDEA

PAGKAKAARESTO NG ISANG PULIS SA IKINASANG BUY BUST OPERATIONS SA CALOOCAN, MAGSILBING BABALA SA IBA PANG MGA SANGKOT SA ILIGAL NA DROGA 

Hindi tatatantanan ng liderato ng Philippine National Police o PNP ang pagkastigo sa kanilang kabaro na nasasangkot sa alinmang iligal na gawain partikular na sa iligal na droga. Ito ang pagtitiyak ng PNP makaraang maaresto sa ikinasang drug buy bust operations ang pulis na kinilalang si P/Cpl. Mark Jefferson Lopez na naka-assign sa Police Substation 12 ng Caloocan City Police Station sa Camarin, Caloocan City kagabi  Ayon kay Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP, malinaw ang marching orders ng bagong pinuno ng Pambansang Pulisya na si Gen. Rodolfo Azurin Jr na linisin ang kanilang hanay mula sa mga bulok na pulis sa pamamagitan ng pinaigting na Internal Cleansing sa kanilang hanay  Bagaman pinaiiral ng bagong PNP Chief ang MKKK o Malasakit, Kaayusan Kapayapaan at Kaunlaran sa kanilang hanay, sinabi ni Fajardo na hindi aniya sila mangingiming pangunahan ang pagsasampa ng kaso laban sa mga pasaway na pulis. Una rito, ipinag-utos na ng pamunuan ng Northern Police District o NPD ang pagsibak sa puwesto sa Sub-Station 12 Commander at mga tauhan nitomatapos makuha sa suspek na pulis, gayundin sa kasabwat nito, ang mahigit 3 milyong pisong halaga ng shabu. 

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News