Logo
FEATURED

2 MOST WANTED NG QC, TIKLO

Published Aug 06, 2022 02:46 PM by: NET25 News

2 MOST WANTED NG QC, TIKLO

Inanunsyo ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Brig. Gen. Remus B Medina, ang pagkakaresto ng dalawang Most Wanted Persons ng Project 4 Police Station (PS 8) at Anonas Police Station (PS 9) kahapon sa Pasig City at Cavite. Ayon kay LtCol. Gilmore Wasin, Station Commander ng PS 8, inaresto ang kanilang No. 7 Most Wanted Person na kinilalang si Benedict Martin, 25, residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, Huwebes na hapon, sa kanyang tirahan. Si Martin ay may nakabinbing Warrant of Arrest para sa kasong R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 na inisyu ni Hon. Kristine Joy M. Meñez-Macalalad, Presiding Judge ng Branch 308, Regional Trial Court, Quezon City na may Criminal Case No. R-QZN-22-07884-CR. Samantala, inaresto ng PS 9 sa pamumuno ni LtCol. Ritchie Claravall ang kanilang No. 8 Most Wanted Person na kinilalang si Mildred Rodico, 46 taong gulang, residente ng Brgy. Lantic Carmona, Cavite dakong ika-5:00 PM, Agosto 4, 2022, sa kanyang tirahan. Ang akusado ay may Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Theft na inisyu ni Hon. Rolando G. Mislang, Presiding Judge ng Branch 167, RTC, Pasig City na may Criminal Case No. 152119. Pinuri ni Medina ang mga operatiba para sa kanilang nagtatagong Most Wanted Persons.  “Kahit saan man kayo magtago ay mahuhuli namin kayo, kaya naman mas maigi na lamang na kusa na kayong sumuko upang harapin ang inyong kasalanan,” dagdag pa ni nya. “I commend our intel operatives as well as our tracker teams for another successful manhunt operation that resulted in the arrest of top most wanted persons. Our continuous campaign against people wanted by the law manifests that we are sincere in putting these law offenders behind bars,” said NCRPO Director, Maj. Gen.Felipe Natividad.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News