Logo
FEATURED

UV EXPRESS DRIVERS, HUMIHIRIT DIN NG P1 TAAS-PASAHE

Published Sep 22, 2022 03:49 PM by: NET25 News | 📷 : PNA

UV EXPRESS DRIVERS, HUMIHIRIT DIN NG P1 TAAS-PASAHE

Muling ihihirit ng isang grupo ng mga UV Express drivers ang P1 dagdag-pasahe para sa kanilang mga sasakyan. Kasunod na rin nang ginawang pag-apruba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagtaas ng pamasahe sa mga jeep, taxi, at transport network vehicle service, ngunit hindi kasali ang mga UV Express. Nanindigan si Alliance of UV Express Association of the Philippines Secretary-General George Jalandoni na resonable ang hinihingi nilang P1 dagdag pasahe para sa kanilang mga sasakyan. “Yung krudo po kasi natin talagang hindi na po makaya nung ating mga operators, drivers so we decided na at least humingi ng rasonable na increase po. Kasi nakikita namin sa study na it will (be) enough. Kasi medyo sensitive rin kasi tayo with the pasahero natin so, yun ayaw naman natin na masyadong mataas yung kanilang pamasahe,” pahayag ni Jalandoni. Bagamat naibalik na umano ang halos lahat ng kanilang mga pre-pandemic na ruta ay hindi pa rin naman bumabalik ang dating dami ng mga pasahero. “Mga medyo may limitations pa rin po doon, hindi pa rin po nakakabalik sa pre-pandemic level yung ating dami ng mananakay,” aniya pa. Nauna nang sinabi ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil na dinidinig pa nila ang petisyon ng mga UV Express drivers.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News