Logo
FEATURED

16 INDIBIDWAL NASUGATAN SA LINDOL SA DAVAO DE ORO - OCD

Published Feb 03, 2023 05:40 PM by: NET25 News

PLAY

16 INDIBIDWAL NASUGATAN SA LINDOL SA DAVAO DE ORO - OCD

Iniulat ngayong Biyernes ng Office of the Civil Defense (OCD) na 16 katao ang nasugatan habang 97 iba pa ang naapektuhan sa naitalang magnitude 6 na lindol na tumama sa Davao de Oro noong Miyerkules. Sa inilabas na ulat kaninang umaga, inihayag ng OCD 52 imprastraktura at dalawang bahay ang nasira dahil sa lindol at nagkaroon din ng dalawang insidente ng landslides. Ayon sa OCD, kumikilos na ang regional office at local disaster management offices para magbigay ng tulong sa mga naapektuhang residente habang patuloy ang ginagawang assessment, koordinasyon at pagbabantay pagkatapos ng malakas na lindol sa Davao De Oro. Base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng pagyanig bandang 6:44 ng gabi noong Miyerkules, na may layong 12 kilometers N 29° E ng New Bataan. Nadiskubre ng PHIVOLCS na ang lindol ay natunton sa bahagi ng southeast ng Compostela sa Davao de Oro na may lalim na 28 kilometro.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News