Logo
FEATURED

PAMBATO NG PILIPINAS NA SI TRACY MAUREEN PEREZ,NAKAALIS NA NG BANSA PARA SA MISS WORLD 2021

Published Nov 22, 2021 10:56 AM by: NET25

PLAY

PAMBATO NG PILIPINAS NA SI TRACY MAUREEN PEREZ,NAKAALIS NA NG BANSA PARA SA MISS WORLD 2021

Inilabas na ng Miss World organization ang introductory video presentation ng pambato ng pilipinas na si Tracy Maureen Perez. October 3 ng taong ito nang koronahan ang Cebuana beauty at hirangin bilang 'Miss World Philippines 2021'. Nitong nakaraang Huwebes, ginanap naman rin ang send-off press conference ni Tracy at dito ay sinabi niya na gagawin at ibubuhos niya ang kaniyang buong makakaya upang maiuwi ang ikalawang korona ng Miss World sa bansa. Nagpapasalamat naman si Tracy sa oprtunidad na dumarating sa kaniyang karera sa beauty pageant. Inspirasyon umano ng dalaga ang kaniyang oamilya at mga mahal sa buhay kaya patuloy niyang nilalakasan ang loob sa pagharap sa mga hamon sa kaniyang buhay. Umalis nan g bansa si Tracy nitong Sabado ng gabi patungong San Juan, Puerto Rico kung saan gaganapin ang naturang pageant sa Dec. 16. -------- The station is dedicated to the growth and revolution of the new media era. It is created as a community and a resource -- a center of values where its best practices can be explored and where vision and innovation are shared to build new opportunities that enrich life. #NET25

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News