Logo
FEATURED

MGA ANAK NI COMEDY KING "DOLPHY", MALAPIT NANG MAPANOOD DITO SA NET25!

Published Dec 21, 2021 08:42 AM by: NET25

PLAY

MGA ANAK NI COMEDY KING "DOLPHY", MALAPIT NANG MAPANOOD DITO SA NET25!

Malapit nang makipagkulitan ang mga anak ni Comedy King Dolphy, dahil mapapanood na natin sila dito sa NET 25! Ito ang bagong gag show ng NET 25 ang "Quizon CT" o Quizon Comedy Theater, kasama sina Eric, Epy at Vandolph Quizon, ang maybahay ni Vandolph na si Jenny Quizon. Sa kanilang live guesting sa programang 'Kada Umaga', ibinahagi ng Quizon brothers kung paanong preperasyon ang kanilang ginawa para mas maging masaya pa ang kanilang programa. Ibihagi din ni Direk Eric kung ano ang kaibahan ng Quizon CT sa ibang comedy gag shows sa bansa. At para sa magkakapatid na Quizon, sobrang proud sila at magkakasama sila sa isang proyekto at ito ay dahil sa iisang layunin...ang ipagpatuloy ang legacy ng kanilang ama,,, ang 'King of Comedy' na si Dolphy. Kasama din sa casting nito sina Martin Escudero, Gene Padilla, Bearwin Meily, Gary Lim, Binibining Pilipinas 4th runner up Billie Hakenson, Tanya, Tiktoker Charuth at marami pang iba.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News