PHREATOMAGMATIC BURST , NAITALA SA BULKANG TAAL
Published Mar 31, 2022 04:27 PM by: NET25
May naganap na phreatomagmatic burst sa Bulkang Taal alas-10:39 kahapon ng umaga. Sa video ng Philippine Institte of Volcanology and Seismology (Phivolcs) , makikita ang phreatomagmatic burst mula sa main crater ng naturang bulkan. Bukod dito, wala namang naitalang volcanic earthquake pero patuloy ang low-level background tremor na naitala sa bulkan. May naganap na upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng main crater na lumikha ng plume na may taas na 1,500 metro na napadpad sa timog-kanluran. May 6,405 tonelada naman ng asupre ang nailalabas ng bulkan kada araw. Nananatiling nasa Alert Level 3 ang bulkan na ibig sabihin ay ang magma na nanunuot sa ilalim ng main crater ay maaaring magdulot ng karagdagan o malakas na pagputok.
Latest News