Logo
FEATURED

MGA TAUHAN AT ASSETS NG PCG SUMAILALIM SA REGULAR MARITIME EXERCISE

Published Apr 01, 2022 02:35 PM by: NET25

PLAY

MGA TAUHAN AT ASSETS NG PCG SUMAILALIM SA REGULAR MARITIME EXERCISE

Upang masigurong maipapatupad nang maayos ang mga mandato ng ahensya at handa tuwing may aksidente o sakuna, ang mga tauhan at assets ng Philippine Coast Guard (PCG) ay sumailalim sa regular maritime exercise tulad ng aeromedical evacuation. Ayon sa PCG, layon ng mga operasyong ito na mapagbuti ang kakayahan ng mga PCG personnel na dine-deploy para magtaguyod ng maritime security at maritime safety, gayundin para mag-rescue tuwing may hindi inaasahang insidente sa karagatan.   Samantala, mahigit triple na ang naging paglago ng coast guard workforce sa nakalipas na humigit-kumulang anim na taon  dahil sa pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade. Dagdag pa rito, sunud-sunod din ang pagbili ng mga makabagong barko at air assets para sa PCG. Brand new ang lahat ng ito na gawang France, Japan, at Germany. Ayon sa PCG, mula sa 6,500 tauhan noong 2016, nasa 23,000 na ito ngayon hindi pa kasama ang 4,000 trainees na irerecruit ng PCG ngayong 2022.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News