Logo
FEATURED

IKALAWANG 97-METER MULTI-ROLE RESPONSE VESSEL NG COAST GUARD, SUMALANG SA UNANG SEA TRAVEL

Published Apr 06, 2022 02:51 PM by: NET25 | Photo/Video Courtesy of PCG FB

PLAY

IKALAWANG 97-METER MULTI-ROLE RESPONSE VESSEL NG COAST GUARD, SUMALANG SA UNANG SEA TRAVEL

Sumalang na sa unang sea trial ang ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng Philippine Coast Guard (PCG) na kikilalanin bilang BRP Melchora Aquino. Sa pangunguna ng Mitsubishi Shipbuilding Co. Ltd., naging ligtas at matagumpay ang naturang inisyatibo na layong suriin ang kahandaan ng naturang barko bago tuluyang lumayag pauwi ng Pilipinas sa susunod na buwan.  Tulad ng MRRV-9701,ang MRRV-9702 ay mayroong maximum speed na hindi bababa sa 24 knots; endurance na di bababa sa 4,000 nautical miles; at kakayanang magsagawa ng pangmatagalang pagpapatrolya sa West Philippine Sea, Philippine Rise, at iba pang bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Noong ika-26 ng Pebrero 2022, ligtas na nakarating sa bansa ang MRRV-9701 na kikilalanin bilang BRP Teresa Magbanua sa oras na ma-komisyon sa serbisyo.  Sa suporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade, binili ang dalawang 97-meter MRRV mula Japan para lalong palakasin ang PCG sa ilalim  ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase II (MSCIP Phase 2) ng DOTr.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News