Logo
FEATURED

PRRD NAGPASALAMAT SA SAMBAYANANG PILIPINO

Published Jun 27, 2022 02:05 PM by: NET25

PLAY

PRRD NAGPASALAMAT SA SAMBAYANANG PILIPINO

Libu-libong tagasuporta ang dumalo sa ginanap na ‘farewell concert’ para kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila Linggo ng gabi. Labis ang naging kasiyahan ng lahat nang magpaunlak pa si Digong na magbigay ng kanta sa mga dumalo. Ang concert ay pinamagatang "Salamat, PRRD" na dito nagbigay din ang Pangulo ng pinakamaigsing speech sa kasaysayan ng kaniyang panunungkulan. “Maiksi lang ito. Sa sambayanang Pilipino, maraming, maraming salamat sa inyo,” saad ni Duterte sa mga tagasuporta saka bumalik sa kaniyang upuan katabi ng kaniyang partner na si Honeylet Avanceña. Hindi pa dito nagtatapos ang gabi para kay Duterte nang sumabay siya sa pagkanta ng grupo ng mga doktor at medical frontliners sa awit na “Fill the World with Love”. Pagkatapos nito, naki-duet rin siya sa singer na si Martin Nievera sa awit na "Ikaw", kasabay ng fireworks display. Tinatayang mahigit sa 3,000 ang dumalo sa concert na galing sa iba't ibang parte ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News