Logo
FEATURED

3 ANTI-PBBM YOUTH LEADERS INARESTO

Published Jul 01, 2022 12:58 PM by: NET25 | 📹 Atty Sonny Matula/FB

PLAY

3 ANTI-PBBM YOUTH LEADERS INARESTO

TATLONG kabataan na nagtangkang maglagay ng banner sa isang footbridge sa Commonwealth, Quezon City ang inaresto. Ang tatlo ay miyembro ng labor group na Nagkaisa at nais maglagay ng anti-government tarpaulin malapit sa tanggapan ng Commission on Human Rights. Hinuli ng Quezon City Police si Akbayan Youth leader RJ Naguit kasama sina Sentro Youth members Benjamin Alvero at Jane Labongray.  Dinala sila sa Camp Karingal para pagpaliwanagin. Sinabi naman ni Sentro secretary general Josua Mata na marahas ang pagdakip sa kanilang kasamahang aktibista ng mga pulis. Kinumpirma naman ng Akbayan Youth na pinakawalan din ang tatlo kasunod ng dayalogo. “No case was filed against them,” ayon pa sa grupo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News